143 bangka, kasali sa Banca Parada na bahagi sa selebrasyon ng Pistay Dayat 2017

Umabot na sa 143 bangka ang kumpirmadong kasali sa isasagawang Banca Parada na gagawin sa darating na mayo a-uno sa Banaga Bridge, ng bayan ng Bugalon, Pangasinan.

Ang Banca Parada sa ika-siyam na taon ng ginagawa bilang bahagi sa selebrasyon ng pistay dayat kung saan ang lahat ng banca na kasali ay dapat napapalamutian ng mga indigenous at bio·degradable materials.

Ayon kay Avenix Arenas, Training at Information Officer ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ang Banca Parada ay hinati sa tatlong kategory, ito ay ang Category A na kinabibilangan ng provincial offices at hospital.

Kabilang naman sa Category B ang mga national government agencies, LGU’S, private sector, at mga NGO’S, habang ang lahat ng mga barangay ay kabilang sa Category C.

Ang lahat naman aniya ng mananalong kalahok ay mag-uuwi ng premyo na P25,000 para sa kampyeon, P20,000 para sa first runner-up at P15,000 naman para sa second runner-up.

 

Ang Banca Parada ngayong taon ay may temang ‘Masaganang Ilog at Karagatan, Yaman ng Pangasinan’.

Speak Your Mind

*