15 drug personality, naaresto sa ipinapatupad na OTBT ng Dagupan City PNP

Labin limang (15) drug personality ang naaresto sa ipinapatupad na “One Time Big Time” (OTBT) ng Dagupan City PNP na sinimulan noong Abril 3 at magtatapos sa Abril a-9 taong kasalukuyan.

Ito’y mula sa sampung (10) anti-drug operation na isagawa ng pinagsamang puwersa ng kapulisan mula sa ika-apat na distrito ng Pangasinan kung saan kapahon ay iniharap sa media ang anim na suspek.

Ayon kay P/Supt. Neil Miro, Officer-In-Charge ng Dagupan City PNP, lahat ng kanilang isinagawang drug buy-bust operation ay dumaan sa tama at mahabang proseso.

 

Tiniyak naman ni Miro na makakakuha sila ng impormasyon sa mga nasakoteng drug personality kung saan nangagaling ang kanilang suplay ng droga.

 

Nabatid na ilan sa mga naaresto ay newly emerged drug personality na nakakita ng pagkakataon pasukin ang negosyo ng droga dahil sa pagkakasuspendi ng anti-drug operation ng pulisya.

Speak Your Mind

*