2 bayan sa Pangasinan, kabilang sa top 10 wasting malnutrition sa Region 1

Kabilang ang bayan ng Anda at Bautista, Pangasinan sa top 10 wasting malnutrition o payat sa buong Region 1.

Ito ang inihayag ni Kendall Gatan, Nutrition Officer 3, ng National Nutrition Council o NNC-RO1, sa ginanap na Kapisanan ng mga Broadkaster ng Pilipinas o KBP Pangasinan Chapter Forum.

Ayon kay Gatan, ang wasting o pagkapayat ay isang indikasyon na ang bata na nasa level na ng acute malnutrition, ibig sabihin dapat na itong bigyan ng kumpletong atensyon sa pagkain at kung mas bata pa ay sa pagpapasuso.

Nasa ika-tatlong puwesto ang bayan ng Anda at ika-anim naman ang Bautista na nakapasok sa regional level, habang pasok din sa top 10 sa buong Pangasinan ang bayan ng Labrador, Aguilar, Mangaldan, Mangatarem,  Bayambang, Mabini, Alcala at Bugalon.

Speak Your Mind

*