Kalinisan sa Lingayen Beach, madato na sa lahat ng empleyado ng kapitolyo

Mandato na sa mga kawani ng provincial capitol partikular na sa mga miyembro ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ang pagmimintina ng kalinisan sa Lingayen Beach Front.

Ito ang inihayag ni Avenix Arenas, Training and Information at Deputy PDRRMO Officer kung saan regular aniya ang isinasagawang Lingayen Beach Clean-Up Drive.

Ayon kay Arenas, tuwing araw ng Biyernes ay sama-samang naglilinis ang anim ng grupo mula sa hinati-hating mga empleyado ng kapitolyo sa baybaying dagat ng lingayen.

Maliban dito, nagsisilbi ding “Tusok Boy” o nagtutusok ng basura ang mga miyembro ng Water Search and Rescue (WASAR) Team kasabay ng kanilang monitoring sa paligid ng dagat.

 

Una nang ipinabatid ng PDRRMO sa publiko na panatilihin ang kalinisan sa paligid ng lingayen beach sa pamamagitan ng pagtatapon sa sarili nilang basura.

Speak Your Mind

*