Blue alert status, itataas ng PDRRMO kasabay sa Oplan Pistay Dayat 2017

Kasado na ang ipapatupad na Oplan Pistay Dayat 2017 ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) bahagi rin ng kanilang “Oplan Sumvac”.

Sa panayam, sinabi ni Avenix Arenas, Training at Information Officer ng PDRRMO na simula bukas, Abril a-bente nuebe ay itataas na sa blue alert status kagaya ng ipinatupad noong Semana Santa.

Ayon pa kay Arenas, aabot sa animnapung rescue personnel ang ipapakalat sa Lingayen Beach para matiyak ang siguridad na publiko.

 

Maliban sa anim na beach tower, inaasahan rin na magagamit na ginagawang 360 degree beach tower kung saan tiyak ng mababantayan ng lahat ng mga beach goers.

Speak Your Mind

*