8 katao, patay matapos ang pananalasa ng bagyong Crising sa Cebu

Walo ang kumpirmadong patay samantalang dalawa ang naiulat na nawawala matapos manalasa ang Bagyong Crising sa Cebu City.

Umabot nang hanggang dibdib ang tubig-baha sa ilang lugar matapos ang malakas na ulan nitong weekend.

Ayon sa pulisya, mula sa Bayan ng Carmen nagmula ang napaulat na nasawi dahil sa bagyo na ngayon ay isa na lamang low pressure area (LPA).

Bukod sa Cebu, nakaranas din ng pagbaha ang ilang lalawigan gaya ng Ormoc Leyte at Romblon.

Maliban sa mga namatay at nawawala, higit pitumpung kabahayan naman ang winasak ng pagbaha dulot ng LPA.

Speak Your Mind

*