85 Pangasinense, nakapasa sa mobile recruitment ng PMC

Mahigit walumpong pangasinense ang nakapasa mula sa dalawandaan aplikanteng sumailalim sa “Mobile Recruitment” ng Philippine Marine Corps (PMC) sa lalawigan ng Pangasinan.

Kahapon ng umaga, pormal nang nanunpa ang walumpot limang pangasinense sa Dagupan City Plaza bago magtungo sa Cavite para sa kanilang anim na buwang pagsasanay.

Ayon kay Col. Ariel Caculitan, Superintendent Marines Corps Course Development na dadaan sa matinding training ang naturang mga pangasinense na paghuhubog sa kanila para maging tapat sa serbisyo.

inihahanda rin umano ang mga bagong recruit na Philippine Marines para magbantay at magtatanggol sa teretoryo ng bansa maging sa banta ng karahasan dulot ng mga makakaliwang grupong CPP-NPA.

Speak Your Mind

*