Abodo con mais, tampok sa “longest picnic line” na target masungkit sa Guinness World Records

Tampok ang mais na pangunahing produkto o sumisimbulo ng one town, one product ng bayan ng Sto. Tomas, Pangasinan sa abodo con mais na inihanda sa “Longest Picnic Line” na target masungkit sa Guinness World Records.

Inilatag sa mga mesa mula sa boundary ng bayan ng Rosales at Alcala na may habang anim na kilometro ang 3,600 kilo ng karneng baboy na nilutong abodo, 3,600 kilo ng mga gulay na ginawang paksiw at kanin mula sa halos 60 kaban ng bigas.

Pinagsaluhan naman ng libo-libong bisita at mga residente ng Sto. Tomas ang naturang mga pagkain kasabay ng kanilang kapistahan na nagtapos kahapon, Abril a-dos.

Positibo si Mayor Timoteo “Dick” Villar III, na masungkit ang dalawang inaasam na tituto sa Guinness World Records sa pamamagitan ng pagkakaisa sa sambayan.

 

Sa kasalukuyan, hawak ng Alexandria Egypt ang “Longest Line of Tables” sa Guinness World Record na may 4.3 kilometer, habang ang City of Kitchener sa Ontario, Canada naman ang may hawak na tituto na “Longest Picnic Line” na may sukat na 2.2 kilometer

Speak Your Mind

*