AFP, patuloy ang pagtugis sa nagsilbing guide ng ASG sa Bohol

Patuloy ang military operations sa Bohol para tugisin ang bandidong Abu Sayyaf Group (ASG).

Target din ng militar na tugisin ang umano’y guide na siyang nagdala sa buong grupo ni ASG sub-leader Muammar Askali alyas “Abu Rami” na napatay sa engkuwentro laban sa mga tropa ng pamahalaan sa Inabanga, Bohol.

Kinilala ng militar ang nasabing guide na si Joselito Mellora alyas “Abu Alih.”

Bukod kay Mellora, pinaghahanap din ng militar ang walo pang Abu Sayyaf members na kabilang sa grupo ni Abu Rami.

Speak Your Mind

*