Bise-alkalde sa Ilocos Norte, tinambangan… sugatan

Sugatan sa pananambang ang bise-alkalde ng Marcos, Ilocos Norte na si Vice Mayor Jessie Ermitanio.

Ayon sa mga imbestigador, pauwi na si Ermitanio kasama ang tatlong iba pa nang tambangan sila at pagbabarilin ang kanilang sasakyan sa Barangay Ragas.

Napuruhan ang driver na si Lucky Rumbaoa samantalang nagtamo naman ng daplis sa paa ang bise-alkalde at ang dalawa pa nitong kasama.

Inaalam pa ang ginamit na baril at ang motibo ng mga hindi nakilalang salarin.

Samantala, Sa La Trinidad, Benguet….

Timbog ang dalawang hinihinalang drug pushers sa buy-bust operation doon.

Naaresto si Hadjiomar Mojeb, 26 anyos at ang runner nitong si Winston Tibangay, 35 anyos.

Ayon kay La Trinidad Police Chief Benson Macli-ing, nakumpiska sa dalawang suspek ang nasa labinsiyam na pakete ng shabu na may timbang na 62.5 gramo at nagkakahalaga ng apatnaraang libong piso.

Bukod sa shabu, suspek din ang dalawa sa pagbebenta ng mga pekeng DVD sa La Trinidad.

Ikinulong ang mga ito sa Benguet Provincial Jail para sa kasong paglabag sa Comprehensive Drugs Act.

Speak Your Mind

*