Bongbong, dapat maunang magbayad sa electoral protest vs Leni

Naghain ng mosyon ang kampo ni Vice President Leni Robredo para linawin sa Korte Suprema ang utos nitong mag-deposit ng P15.44 milyon para sa petisyon nitong ibasura ang electoral protest na inihain ni dating Senador Bongbong Marcos.

Ayon sa abugado ni Robredo na si Romulo Macalintal, sa lahat ng election protest ay unang nagbabayad ang nagprotesta.

Inatasan ng Korte Suprema na nagsisilbing presidential electoral tribunal sina Robredo at Marcos na maglabas ng P81.46 milyon para sa kanilang hiwalay na election protest.

Sa nasabing halaga, P66.02 milyon ang gagamitin para sa pagrerekober ng mga election material para sa protesta ni Marcos.

Pero para kay Macalintal, dapat ay nasa kabuuang P185 milyon ang bayaran ni Marcos para sa siyamnapu’t dalawang libong clustered precincts.

Iginiit naman ni Macalintal na hindi nila inaabandona ang kanilang obligasyon at sa halip ay pinakaklaro lang ang utos ng Korte Suprema.

Speak Your Mind

*