Bulto ng marijuana, nakumpiska ng pulisya sa Benguet

Bultu-bultong marijuana bricks at tubular marijuana stalks ang nakumpiska ng mga awtoridad sa isang checkpoint sa Lomon, Paykek, Kapangan Benguet.

Arestado naman ang mga suspek na sina Leo Dominguez Balang, beinte kuwatro anyos at Emil Comila Garcia, beinte tres anyos.

Ang nasabing marijuana ay nagkakahalaga ng aabot sa P142,000.

Ayon kay Chief Insp. Jim Helario, hepe ng Kapangan Police, galing ang nasabing kontrabando sa Santol, La Union at idedeliber sana sa Balintawak.

Nakatakdang isailalim ang mga suspek sa drug test samantalang ang mga nasamsam na kontrabando ay dinala sa crime laboratory.

Speak Your Mind

*