Camille Prats at VJ Yambao, inanunsyong Baby Girl ang kanilang magiging anak

Inanunsiyo na ni Camille Prats at ng asawang si VJ Yambao ang gender ng kanilang magiging unang anak.

Isinagawa ng mag-asawa ang gender reveal party sa Nayomi Sanctuary Resort sa Batangas na dinaluhan ng kanilang pamilya.

Pinapili nila ang kanilang guests ng popsicle mula sa cake kung ‘team boy’ o ‘team girl’ bilang hula sa kasarian ng ipinagbubuntis ni Camille.

Nang hiwain ni VJ ang cake ay roon na na-reveal na baby girl ang inaasahang magiging anak nila.

Si Camille ay may isa na ring anak sa unang asawa na sumakabilang-buhay na.

Speak Your Mind

*