Carmen Cebu, isinailalim na sa state of calamity

Isinailalim na sa state of calamity ang Bayan ng Carmen, Cebu dahil sa matinding pagbaha bunsod ng Bagyong Crising.

Ginawa ang nasabing hakbang matapos ang emergency meeting ng mga opisyal sa probinsiya.

Napag-alamang umabot na sa sampu ang nasawi sa Cebu dahil sa matinding pagbaha, kung saan ay walo sa mga ito ay mga residente ng Carmen.

Samantalang mahigit dalawandaang pamilya naman ang mga naapektuhan.

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa rin ang isinasagawang clearing operations sa mga lugar na naapektuhan ng bagyo.

Speak Your Mind

*