Charles Rhodes, nagpakawala ng 29 na puntos para talunin ang Hotshots

Nagpakawala ng impresibong 29 na puntos at sampung rebounds si San Miguel Beermen (SMB) import Charles Rhodes para ipalasap sa Star Hotshots ang ikalawang sunod na talo sa Philippine Basketball Association (PBA) Commissioner’s Cup.

Nagpasabog naman ng 19 na puntos si Chris Ross samantalang 16 na puntos naman ang kay Marcio Lassiter.

Nagawa pang maidikit nina Allein Maliksi, Mark Barroca at Paul Lee ang iskor sa Beermen, 99-95, ilang minuto bago matapos ang laro.

Sa huli, nagtapos ang sagupaan sa iskor na 103-97 pabor sa Beermen.

Speak Your Mind

*