Chemical attack sa Syria, kinondena ni Donald Trump

Kinondena ni US President Donald Trump ang pagpatay sa ilang sibilyan sa Northern Syria sa nangyaring chemical attack doon ng Syrian Airforce.

Tinawag ni Trump na ‘affront to humanity’ ang pag-atake.

Kabilang sa nasawi sa chemical attack doon ang ilang mga bata at mga sanggol.

Hindi naman binanggit ni Trump ang Russia na kaalyado ng Syria.

Pero Inakusahan Ng Kinatawan Ng Amerika sa United Nations (UN) ang Russia na pinagtatakpan ang Syria.

Speak Your Mind

*