Chief strategist ni Donald Trump, sinibak sa NSC

Sinibak na ni President Donald Trump sa National Security Council (NSC) ang kanyang chief strategist na si Steve Bannon.

Sarili umanong kapasyahan ni Trump ang pagsibak kay Bannon na itinalaga niya sa NSC noong Enero matapos ang re-organization.

Nabatid na umani ng kontrobersiya ang pagtatalaga ni Trump kay Barron sa NSC.

Ayon sa White House, wala nang papel pa si Bannon sa NSC dahil ang trabaho lang nito ay bantayan si Michael Flynn na una nang natanggal bilang national security advisor.

Speak Your Mind

*