De Lima, ipinagdasal ang sariling kaligtasan nitong Easter Sunday

Ipinagdasal umano ni Senador Leila De Lima ang sariling kaligtasan at ‘resurrection’ nitong Linggo ng muling Pagkabuhay.

Kasalukuyang nakapiit si De Lima sa Philippine National Police (PNP) Custodial Center sa Camp Crame dahil sa kasong may kaugnayan sa droga.

Ngayong Lunes naman, isusumite ng kanyang legal team ang memorandum for petition na humihiling sa Korte Suprema na ipawalambisa ang pag-aresto sa kanya dahil sa drug charges.

Iginiit naman ng senadora na nananatili ang kanyang ‘spirit’ at ‘passion’ sa paglaban para sa hustisya at karapatang pantao kahit na pansamantala siyang nakakulong.

Speak Your Mind

*