Deadline sa pagbabayad ng buwis at ITR, hanggang ngayong araw na lang – BIR

Pinaaalalahanan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang mga indibidwal at business taxpayers na hanggang ngayong araw na lamang ang palugit para magbayad ng buwis at maghain ng 2016 income tax returns.

Ayon kay Commissioner Caesar Dulay, hindi na nila palalawigin pa ang deadline at agad na papatawan ng penalty ang late filers.

Kabilang dito ang 25 percent surcharge, 20 percent interest per annum on tax due at compromise penalty.

Hindi naman umano gaanong inaasahan ng BIR ang pagdagsa ng tax filers sa kanilang mga tanggapan dahil karamihan umano sa mga ito ay nakapaghain na ng kanilang mga ITR via online.

Speak Your Mind

*