DOE, tiniyak na sapat ang supply ng kuryente ngayong tag-init

Tiniyak ng Department of Energy (DOE) ang sapat na supply ng kuryente sa buong panahon ng tag-init.

Ayon kay DOE Asec. Felix William Fuentebella, tatagal ang reserbang power kung mananatili lang ang konsumo sa normal na paggamit.

Makaaapekto rin aniya sa supply kung may babagsak na planta, lalo na sa Luzon, kung saan ay naitatala ang pinakamalaking bilang ng power consumers.

Gayunman, pinayuhan ng DOE ang publiko na iwasan ang pag-aaksaya ng kuryente upang maitawid ito hanggang sa pagtatapos ng panahon ng tagtuyot.

Speak Your Mind

*