DOH, nagbabala sa pagkain ng ‘halo-halo’ ngayong summer

Pinag-iingat ng Department of Health (DOH) ang publiko sa pagbili at pagkain ng ‘halo-halo’ na patok ngayong simula na ang summer season.

Ayon kay DOH Secretary Paulyn Ubial, dapat aware ang publiko kung malinis ba ang tubig at yelong ginagamit sa paggawa ng ‘halo-halo.’

Maaari kasi aniyang makontamina ito kung hindi naihanda nang maayos.

Kung marumi ang tubig o yelong ginamit sa ‘halo-halo’ ay posible umano itong magkaroon ng bacteria gaya ng salmonella at amoeba na magdudulot ng food poising, diarrhea at pagsusuka.

Speak Your Mind

*