DOLE, patuloy na hinihikayat ang mga estudyante sa SPES Program

Patuloy na hinihikayat ng Department of Labor and Employment o DOLE-Central Pangasinan ang mga estudyante na sumailalim sa kanilang Special Program for the Employment for Students (SPES).

Ito ayon kay Panfilo Dioquino, Labor Communications Officer ng DOLE-Central Pangasinan, kung saan ang SPES Program ay para sa lahat ng mga deserving students at out-of-school youths na nagnanais magtrabaho at magpatuloy sa kanilang pag-aaral.

Sinabi ni Dioquino, na isa sa kuwalipikasyon para nakabilang sa spes ay dapat nasa edad 15 hanggang 30 taong gulang, at magandang grado sa pinapasukang paaralan.

Requirement din para sa mga enteresadong aplekante ang kopya ng birth certificate, at certificate of indigency o income requirement ng kanyang magulang.

 

Dagdag pa ni Dioquino na ngayong taon, katuwang ng DOLE-Central Pangasinan sa nasabing spes program ang ibat-ibang local government units, government agencies at malalaking establisyemento sa Pangasinan.

Speak Your Mind

*