Duterte, mataas ang approval, trust ratings sa Q1

Nananatiling mataas ang approval at trust ratings ng lima sa pinakamatataas na opisyal ng bansa para sa unang bahagi ng 2017.

Base sa survey ng Pulse Asia, 78 porsiyento ng mga Pilipino ang aprubado ang performance ni Pangulong Rodrigo Duterte samantalang 76 porsiyento naman ang trust ratings.

Nasa 58 porsiyento naman ang approval ratings ni Vice President Leni Robredo samantalang 56 na porsiyento ang kanyang trust ratings.

Nakakuha naman ng 55 porsiyento approval ratings si Senate President Koko Pimentel samantalang 51 porsiyento naman ang nakuha nitong trust ratings.

Nagtamo naman ng 42 porsiyento approval ratings si Chief Justice Maria Lourdes Sereno samantalang ang trust ratings naman nito ay 40 porsiyento.

Pinakamababa sa lima si House Speaker Pantaleon Alvarez na nakakuha ng 40 porsiyentong approval ratings at 37 porsiyentong trust ratings.

Mataas din ang approval at trust ratings sa performance ng Korte Suprema at ng Senado samantalang ang pinakamababa naman ay ang Kamara.

Isinagawa ang survey noong Marso 15 hanggang Marso 20 sa kasagsagan ng paghahain ng impeachment complaint laban kay Duterte at ng UN video message ni Robredo.

Speak Your Mind

*