Duterte, nanguna sa Time Magazine’s online poll

Nanguna si Pangulong Rodrigo Duterte sa taunang online poll ng Time Magazine para sa “100 Most Influential People” sa mundo.

Nakuha ni Duterte ang limang porsiyento ng kabuuang ‘yes’ votes sa survey, sa tanong na kung sino ang kanilang gustong mapasama sa listahan ng nasabing magazine.

Sumunod naman kay Duterte si Canadian Prime Minister Justin Trudeau, Pope Francis, Bill Gates at Mark Zuckerberg na nakakuha ng tigtatatlong porsiyento ng ‘yes’ votes.

Sa Abril 20 ay iaanunsiyo ng Time ang kanilang opisyal na 100 influential list.

Speak Your Mind

*