‘Era of strategic patience’ ng US sa NoKor, tapos na

Tapos na ang ‘era of strategic patience’ ng Amerika sa North Korea (NoKor).

Sinabi ito ni US Vice President Mike Pence sa pagtungo nito sa demilitarized zone sa South Korea (SoKor).

Dumating si Pence sa Seoul sa gitna ng umiigting na tensiyon sa rehiyon matapos ang pumalyang missile launch ng NoKor.

Naglunsad na rin ng joint air force military exercise ang Amerika at SoKor para matiyak ang kahandaan kontra-NoKor.

Tiniyak din ni Pence na kaisa nila ang kaalyadong SoKor sa gitna ng tensiyon.

Speak Your Mind

*