ETIPS para sa mas mabilis na impormasyon ng publiko, isinusulong ng Pangasinan PPO

Isinusulong ngayon ng Pangasinan Provincial Police Office (PPPO) ang Electronic Timely Information and Prevention System o ETIPS para sa mas mabilis na pagpapakalat ng impormasyon sa publiko.

Ayon kay Police Chief Inspector (PCI) Norman Florentino, hepe ng Police Community Relations ng Pangasinan PPO, ang E-TIPS ay isang program na magpapabilis ng information and dissemination.

Sa pamamagitan aniya ng makabagong teknolohiya gaya ng Facebook ay mas mapapabilis ang impormasyon at kamalayan ng publiko kung ano ang nakapost sa kanilang website.

 

Sa pamamagitan aniya ang ETIPS ay mas madaling malaman ng publiko ang mga crime prevention at disaster tips ng PNP lalo na kung may ispesyal ng okasyon gaya ng Semana Santa.

 

Ang tinig ni Police Chief Inspector (PCI) Norman Florentino, hepe ng Police Community Relations ng Pangasinan Provincial Police Office.

Speak Your Mind

*