Ex-Iranian President Ahmadinejad, di-Pinayagang tumakbo sa Pres. Elections

Hindi pinayagang tumakbo para sa May presidential elections si dating Iranian President Mahmoud Ahmadinejad.

Naging pangulo si Ahmadinejad ng Iran mula 2005 hanggang 2013.

Aprubado naman umano ang kandidatura ni Iranian President Hassan Rouhani at ang mahigpit nitong kalaban sa pulitika na si Ebrahim Raisi.

Sa susunod na linggo umano iaanunsiyo ng Interior Ministry ang pinal na listahan ng mga kuwalipikadong kandidato.

Speak Your Mind

*