Exhibitor sa Pangasinan Tourism and Trade Expo 2017, mas madami ngayong taon

Kasabay sa selebrasyon ng ika-437 Founding Anniversary ng Agew na Pangasinan pormal narin binuksan ang Pangasinan Tourism and Trade Expo at Pistay Dayat 2017 sa Pangasinan Training and Development Center.

Pinangunahan ito nina Pangasinan Governor Amado “Pogi” Espino, First Lady Karina-Padua Espino, Vice Governor Jose Ferdinand Calimlim at ASNA Awardee, Rebecca Bustamante-Mills ang ribbon-cutting.

Ayon kay Malou Elduayan, Provincial Tourism and Cultural Officer, prayoridad sa nasabing Trade Expo ang mga nasa Small and Medium-Enterprises (SMES) at mga tinutulungan ng Provincial Population Office sa pamamagitan ng livelihood assistance sa iba’t ibang kooperatiba at asosasyon.

Tampok din dito ang ibat-ibang produkto o one town one product ng ibat-ibang bayan sa mga karatig lalawigan ng Pangasinan gaya ng Nueva Ecija, Tarlac, at La Union.

Ngayong taon, mas madami aniya ang mga exhibitor ang naki-isa sa Trade Expo kabilang na rito ang Pangasinan Food Park.

 

Ang tinig ni Malou Elduayan, Provincial Tourism and Cultural Officer ng Pangasinan

Speak Your Mind

*