Expiration sa gift checks, ipagbabawal na

Ipagbabawal na ang paglalagay ng expiry dates sa gift checks (GCs).

Ito ay kapag naging ganap na batas ang panukalang Gift Check Act of 2017 ni Senador Juan Miguel Zubiri.

Sinabi ni Zubiri na malaking kawalan para sa may hawak o may-ari ng gift certificate, check, card o voucher kung hindi ito nagamit paglampas ng expiration date.

Ayon kay Zubiri, maitururing na ‘good as cash’ ang mga gift check, card o voucher kaya hindi dapat nilalagyan ng expiry date ang mga ito.

Sa nasabing panukala, ang mga lalabag ay pagmumultahin ng mula dalawandaang libong piso hanggang limandaang libong piso sa unang paglabag.

Samantalang limandaang libong piso hanggang isang milyong piso sa ikalawang paglabag at multang isang milyon at kanselasyon ng business registration at permit sa ikatlong paglabag.

Pero exempted sa parusa kapag ang gift certificate, check, card o voucher ay ipinalabas para sa isang specific event o activity na may petsa katulad ng concert, sine, shows, special occasion at festival.

Exempted din kapag ang gift certificate ay nasira o nawala na hindi naman kagagawan ng supplier.

Speak Your Mind

*