Fillon, sinabuyan ng harina sa mukha sa kasagsagan ng pangangampanya

Sinabuyan ng harina sa mukha si French Presidential Candidate Francois Fillon samantalang nangangampanya ito sa Strasbourg, France.

Agad namang inaresto ng security guards ang lalaking nagsaboy ng harina kay Fillon.

Sa kanyang talumpati, sinabi ni Fillon na target siya ng ‘merciless persecution’ at gagawin ng kanyang mga kalaban ang lahat para ma-discourage siya sa kanyang pagtakbo.

Nahaharap sa pormal na imbestigasyon  at kontrobersiya si Fillon matapos pasuwelduhin ang kanyang mga kaanak na binigyan niya ng mga pekeng trabaho.

Speak Your Mind

*