Gabby Concepcion, tipid magkomento sa reunion movie nila ni Sharon Cuneta

Tipid na magbigay ng komento si Gabby Concepcion tungkol sa reunion movie nila ng dating asawang si Sharon Cuneta.

Ayon kay Gabby, bukas naman siya gumawa ng kahit anong movie basta pasok ito sa kanyang iskedyul.

Sa ngayon ay abala si Gabby sa kanyang afternoon series sa GMA Network na “Ika-6 Na Utos.”

Kibit-balikat naman si Gabby kung matutuloy ang inaasam ng kanilang fans na reunion movie ng Mega Star.

Samantala, napag-uusapan na raw nina Marian Rivera at Dingdong Dantes na sundan ang kanilang panganay na si Baby Zia.

Ayon kay Marian, target nilang magkaroon ng second baby pagkatapos ng gagawin niyang soap opera.

Gusto na rin aniya ng kanilang one-year old daughter na magkaroon ng kapatid, lalo’t mahilig ito sa mga bata.

Sa parte naman ni Dingdong, sinabi nito na anytime ay handa sila ni Marian na magkaroon ng isa pang anak.

Speak Your Mind

*