Golden State Warriors, sinelyuhan ang hawak na NBA best record

Sinelyuhan ng Golden State Warriors ang hawak nitong best record sa National Basketball Association (NBA) sa ikatlong magkakasunod na season.

Nanalo ang Warriors sa kanilang season-best 13th straight game.

Sinilaw ng Warriors ang Phoenix Suns sa iskor na 120-111 sa 42 puntos ni Stephen Curry.

Ang Warriors ang kauna-unahang koponan na may hawak ng NBA best record sa tatlong sunud-sunod na season matapos ang record ng Boston Celtics noong 1983-1986.

Ang Warriors din ang unang team na nanalo ng 65 games sa tatlong sunud-sunod na season.

Speak Your Mind

*