“Healthy Lifestyle”, magiging tema ng selebrasyon ng Nutrition Month 2017

Nakatuon ngayon sa “Healthy Lifestyle” ang tema ng selebrasyon ng ika-43rd Nutrition Month na ginugunita tuwing sa buwan ng Hulyo.

Ito’y dahil umano sa dumaraming bilang ng mga filipino na may mataas na timbang.

Ayon kay Kendall Gatan, Nutrition Officer 3, National Nutrition Council o NNC-ro1, nagiging problema na rin ang mataas na kaso ng mga overweigth at obesity sa mga batang mag-aaral.

 

Iginiit ni Gatan na kapag sinabing malnutrisyon kasali dito ng undernutrition at overnutrition, kayat hindi maganda ang mayroong subrang timbang o kulang sa timbang.

Nabatid na maagang inilabas ang tema ng Nutrition Month ngayong taon, ito ay ang “Healthy Diet, Gawing Habit, for Life”.

Speak Your Mind

*