Ibat-ibang aktibidad sa ika- 437th Agew na Pangasinan, kasado na

Kasado na ang ilang aktibidad sa nalalapit na selebrasyon ng ika- 437th Agew na Pangasinan na gaganapin sa darating na April a-5 sa Capitol Ground sa bayan ng Lingayen, Pangasinan.

Kabilang na aniya rito ang misa ng pasasalamat, awarding ng Kurit Palunggaring Literary Contest, opening ng Pangasinan Tourism and Trade Expo (PTTE), Parada na Luyag 2017 o ang Grand Cultural Parade, at ang Konsyerto ed Kapitolyo na pangungunahan ng tubong pangasinan na si Mitoy Yonting.

Ngunit ayon kay Governor Amado “Pogi” Espino III, ngayong taon ay hindi muna magkakaroon ng “ASNA Awards” dahil sa ilang mga aspeto

 

Una nang idineklara na walang pasok sa buong lalawigan ng Pangasinan ang Abril a-singko, araw ng miyerkules upang bigyang daan ang pagdiriwang ng 437th Pangasinan Day o Agew na Pangasinan.

Speak Your Mind

*