Ibat-ibang training, isinasagawa sa ilalim ng SME Roving Academy – DTI-Pangasinan

Patuloy ang isinasagawang training and seminar ng Department of traDe and Industry o DTI Pangasinan sa maliliit na mga negosyante na nasa ilalim ng Micro, Small And Medium Enterprises (MSMES).

Sa panayam ng DZRD Sonshineradio, sinabi ni Bielza Mark Gin, Trade and Industry Development Specialist ng DTI-Pangasinan na ito ay sa ilalim ng SME Roving Academy Program.

Kabilang aniya rito ang orientation ng food and drugs requirement and licenzing kung saan ang mga tinuturuan rito ang mga negosyante na nasa food processing.

Ayon pa kay Gin, itinuturo din sa ilalim ng sme roving academy ang cacao production and management na isasagawa sa darating na Abril A-26 sa bayan ng Posorrubio at sa Abril a-27 sa bayan ng San Jacinto.

Kabilang din sa training na ibinibigay ng SME Roving Academy ay ang packaging and labeling, good manufacturing practices, at ang skills training ng mango processing.

 

Nabatid na layun ng SME Roving Academy na ma-develop ang kakayahan ng mga negosyante upang silay maging competitive sa local at international market.

Speak Your Mind

*