Ilang PNP officials, iimbestigahan din dahil sa kurapsiyon

Handa umanong harapin ni Senior Supt. Alex Sintin ang anumang imbestigasyon laban sa kanya.

Ito ang inihayag ni Sintin matapos siyang akusahang umano’y ‘bagman’ at kolektor ng mga payola mula sa mga iligal na aktibidad.

Sinabi ni Sintin na may hawak siyang dokumento na makapagpapatunay na wala siyang kinalaman sa mga iligal na aktibidad maging si dating Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Mike Sueno.

Ayon kay Sintin, dapat ay hindi lamang siya o si Sueno ang maging subject ng imbestigasyon, kundi ang lahat ng police officials na posibleng gumamit ng pangalan ni Sueno sa pagtanggap ng payola.

Naniniwala si Sintin na may malalaking tao na nasagasaan si Sueno kaya’t ginawan ito ng isyu at pilit na idinidikit sa mga alegasyon ng kurapsiyon sa pagtanggap ng payola at iba pa.

Si Sintin ay una nang inireklamo ng tatlong DILG undersecretaries na sina John Castriciones, Jesus Hinlo at Emilie Padilla na nagsilbing collector umano ni Sueno sa Aquino Administration sa illegal gambling activities sa bansa.

Pero ang lahat ng ito ay itinanggi ni Sueno at tiniyak ang kahandaang sumailalim sa imbestigasyon.

Speak Your Mind

*