Ipinatupad na Oplan Sumvac 2017, generally peaceful ayon sa Pangasinan PPO

Generally peaceful sa pangkalahatan ang naging pagtaya ng Pangasinan Police provincial Office (PPPO) sa nakaraang Semana Santa at ang ipinatupad na Oplan Sumvac 2017.

Ito ang inihayag ni Police Chief Inspector (PCI) Norman Florentino, hepe ng Police Community Relations ng Pangasinan PPO bagamat may ilang naitala na drowning incident at vehicular accident.

Ayon kay Florentino, marami sa kaso ng pagkalunod ay dahil sa katigasan ng ulo na naliligo sa ilog at dagat kahit nasa impluwensya ng alak.

 

Nilinaw naman ng pangasinan ppo na hindi nagkulang ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) at pulisya sa pagbabantay, ang kawalan aniya ng disiplina ng tao ang dahilan kung bakit may naitatalang kaso ng pagkalunod.

Speak Your Mind

*