isang menor-de-edad, patay sa shark attack sa Australia

Patay ang isang menor-de-edad na babae matapos atakihin ng isang pating samantalang nagsa-surfing sa Australia.

Nagtamo ng critical injuries ang 17-anyos na babae at nasawi sa ospital.

Kasama ng biktima ang buong pamilya nito nang mangyari ang aksidente.

Ito na ang ikatlong shark attack sa lugar sa loob ng isang taon.

Nangyari ang pinakahuling insidente ng shark attack sa kaparehong lugar noong 2014, kung saan ay  naputulan ng braso ang naging biktima.

Speak Your Mind

*