Jerika Ejercito, engaged sa sa Spanish boyfriend

Masayang inanunsiyo ni Jerika Ejercito na engaged na siya sa Spanish boyfriend na si Miquel Aguilar Garcia.

Si Jerika ay anak ni Manila Mayor Erap Estrada at ng dating aktres na si Laarni Enriquez.

Kuwento ni Jerika, nangyari ang engagement sa kanilang bakasyon ni Miguel sa The Dead Sea sa Jordan.

May anak na lalaki si Jerika sa dating boyfriend na si Bernard Palanca.

Samantala, nakasisiguro na raw si Cholo Barretto na forever na ang relasyon nila ng girlfriend na si Ryza Cenon.

Ito ay kahit anim na buwan pa lamang tumatakbo ang relasyon nila.

Sinabi pa ng binata na seryoso talaga siya kay Ryza at hindi na siya titingin pa sa iba.

Pero wala pa aniya sa plano nila ang pagpapakasal dahil isa sa iniisip niya ay ang karera ng kasintahan.

Speak Your Mind

*