Jinggoy, pinayagang makadalo sa birthday party ni Erap

Pinayagan ng Sandiganbayan si dating Senador Jinggoy Estrada para makadalo sa ikawalumpung birthday party ng amang si Manila Mayor Joseph Estrada.

Maaaring magtungo sa birthday party ng kanyang ama si Jinggoy mula alas-singko hanggang alas-onse ng gabi.

Ipinunto ng korte ang malalim na tradisyon ng mga Pilipino sa pagpayag kay Jinggoy na dumalo sa pagdiriwang ng kaarawan ng ama.

Una na itong sinalag ng kampo ng nakadetineng senador pero sinabi ng hukom na i-adjust na lang ng amang alkalde ang kanyang party.

Gaganapin sa Abril 19 ang naturang birthday party sa Manila Hotel.

Speak Your Mind

*