Kahalagahan ng pagpaparehistro sa mga fishing vessel, iginiit ng BFAR

Binigyang diin ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang kahalagahan ng pagpaparehistro sa mga fishing vessel.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio, sinabi ni Mary Ann Solomon, Aquaculturist II ng DA Region 1 na ang boat registration ay isang national program sa ilalim ng Municipal Fishing Vessel Registration.

Nilikha umano ang boat registration upang makakuha ng eksaktong data at madaling mamonitor ng lgus kung ilang bangka ang pumapalaot sa karagatang kanilang nasasakupan.

 

Niinaw naman ni Solomon na ang tanging sakop lang ng municipal fishing vessel registration ay yun lamang nangingisda sa nasasakupan ng municipal waters.

Ang boat registration ay maaari din aniyang magamit sa pagpaplano ng fesheries management plan o pagpaplano kung paano ire-regulate at i-manage ang municipal water na kanyang nasaskupan.

Speak Your Mind

*