Kaso ng acute gastroenteritis sa pangasinan, pumalo na sa mahigit tatlong libo

Pumalo na sa mahigit tatlong libong kaso ng acute gastroenteritis ang naitala sa lalawigan ng Pangasinan mula Enero hanggang ngayong buwan ng Abril.

Batay sa tala ng Provincial Health Office (PHO), umabot na sa 3,298 ang kaso ng acute gastroenteritis ngayong taon, mas mataas sa 2,115 na kaso sa kaparehas ng panahon noong 2016.

Kabilang sa mga bayan at lungsod na may mataas na kaso ng acute gastroenteritis ang Dagupan na mayroong 442 kaso, San Carlos na may 347 na kaso, 257 kaso naman sa bayan ng Calasiao, 202 sa bayan ng Malasiqui, 167 sa bayan ng Mangaldan at 162 sa bayan ng Sta. Barbara.

Ayon kay Dra. Anna Marie de Guzman, kadalasang nakakaranas ang pagtatae na may kasamang pagsusuka ang mga bata na nasa edad apat na taong gulang pababa.

Ang acute gastroenteritis ay karaniwang nakukuha sa pagkain ng marumi at panis na pagkain at pag-inun ng kontaminadong tubig.

Speak Your Mind

*