Kaso ng dengue sa Pangasinan, bumaba ng halos kalahati ngayong taon

Bumaba ng halos kalahati ang kaso ng dengue sa lalawigan ng Pangasinan ngayong taon.

Batay sa tala ang Provincial Health Office o PHO, umabot sa 648 ang kaso ng dengue mula buwan ng enero hanggang Abril noong nakarang taon, mas mababa sa naitalang 337 cases sa kaparehas na panahon ngayong taon.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio, sinabi ni Kimpee Jayson Cruz, Nurse IV ng PHO na bagamat bumaba ang kaso, nananatiling mayroon paring kaso ng dengue sa Pangasinan

Kabilang sa dengue watchlist na binabatayan ng PHO ang mga lugar na may mataas na kaso gaya ng bayan ng Malasiqui, Binmaley, Calasiao, San Manuel, Urdaneta City, Asingan, Bolinao at Sta. Barbara.

Ipinayo naman ni Cruz na para makakaiwas sa dengue fever, makiisa sa programa ng Department of Health (DOH) na 4 o-clock habit na may component na stop, look and listen.

 

Nabatid na ngayong taon pumalo na sa tatlo ang namatay sa sakit na dengue, ang mga ito ay mula sa bayan ng San Manuel, lungsod ng Urdaneta at Dagupan.

Speak Your Mind

*