Kaso ng TB sa Pangasinan, pumalo sa mahigit dalawang libo ngayong unang quarter ng taon

Pumalo na sa mahigit dalawang libo ang kaso ng sakit na TB o Tuberculosis sa lalawigan ng Pangasinan ngayong unang quarter ng taon.

Ito ang inihayag ni Gladys Perez, TB Field Coordinator ng Provincial Health Office (PHO) sa panayam ng DZRD Sonshine Radio batay sa tala ng Integrated TB Information System o ITIS.

Ayon kay Perez, nananatili namang kontrolado ang kaso ng TB sa lalawigan na pumalo na sa dalawang libo isandaan limamput walo (2,158) halos kaperahas sa naitalang kaso noong 2016.

Ganunpaman, patuloy namang ipinapayo ng PHO sa publiko o sa mga pasyente ng TB na tapusin ang anim na buwang gamutan.

 

Ang tinig ni Gladys Perez, TB Field Coordinator ng Provincial Health Office (PHO) sa panayam ng DZRD Sonshine Radio.

Speak Your Mind

*