Kevin Durant, makalalaro na para sa Warriors sa weekend

Posibleng makapaglaro na ngayong weekend si Golden State Warriors forward Kevin Durant.

Sa report ng ESPN, maaari nang makabalik sa basketball court si Durant sa Sabado sa laban ng Warriors kontra sa New Orleans Pelicans.

Nagtamo ng sprain at bone bruise sa kanyang kaliwang tuhod si Durant kaya’t hindi ito nakapaglaro.

Sinabi naman ni Warriors Head Coach Steve Kerr na imo-monitor pa rin nila si Durant kahit pa maaari na itong makalaro.

Speak Your Mind

*