Kontrobersyal na Drug War, di dahilan ng pangunguna ni Duterte sa Time Readers

Kumpiyansa ang Malacañang na walang kinalaman sa kontrobersiyal na kampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa iligal na droga ang pangunguna nito sa online voting ng Time Magazine.

Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, na prayoridad ni Pangulong Duterte ang public interest at kapakanan ng mahihirap kung kaya’t hinahangaan siya ng mga Pilipino at maging ng international leaders.

Una kasing inihayag ng Time na malaking bagay sa nakuhang boto ni Duterte ang kontrobersiyal nitong kampanya kontra-droga, kung saan ay ikinamatay na umano ng nasa mahigit 8,000 katao.

Giit ni Abella, na kahit wala ang nasabing pagkilala ay patuloy ang pagsisipag ni Pangulong Duterte bilang manggagawa sa gobyerno at matapat na lingkod-bayan.

Speak Your Mind

*