Labin tatlong opisyal na kandidata bilang Miss Asin 2017, opisyal ng ipinakilala

Pinaghahandaan na ang 2 day celebration ng Asin Fiestival 2017 sa bayan ng Dasol, Pangasinan.

Ang dalawang araw na selebrasyon ay isasagawa sa ipinagmamalaking turismo ng lugar ang pamasong Tombobong Beach sa darating na April 22 hanggang April 23.

Kahapon ay unang nang iniharap sa mga miyembro ng media ang labin tatlong opisyal na kandidata bilang Miss Asin 2017 mula sa ibat-ibang barangay ng bayan ng dasol.

Bukod sa ilang miyembro ng media, dumaan rin sa question and answer ang mga kandidata kay Dasol Mayor Eric Verzosa, Municipal Tourism Officer para sa pagpili ng Darling of the Press.

Speak Your Mind

*