Libo-libong tourist arrival, target ng Alaminos City ngayong Semana Santa

Anim hanggang pitong libong tourist arrival ang inaasahan ng City Government ng Alaminos na dadagsa kada araw sa Hundred Islands National Park ngayong Semana Santa.

Ito ang dahilan kung bakit patuloy na dinaragdagan ng City Government ang nasa mahigt siyam naraang motor boat na sinasakyan ng mga turista patungong isla.

Sa panayam ng Dzrd Sonshine Radio kay Mike Sison, City Tourism Officer ng Alaminos, napaghandaan narin ang pagdagsa ng mga turista sa Governor Island kung saan naayos na ang ilang pasilidad.

 

Dahil sa inasahang pagdami ng mga turista, sa ngayon tumatanggap na ang city tourism office ng reservation para sa gustong mag-overnight sa isla.

 

Maliban sa malinis na tubig at white sand beach, dagdag atraksyon na ngayon sa hundred island park ang ilang water sport activity gaya ng parasailing, banana boat, kayaking, helmet diving, jet ski at zipline.

Inaasahan naman na bago dumating ang mahal na araw ay mabubuksan na ang pangatlong zipline sa hundred island.

Speak Your Mind

*