Libo-libong turista, dumagsa sa Sky Plaza at Maranum Falls sa Natividad

Libo-libong turista ang dumagsa sa Sky Plaza at Maranum Falls sa bayan ng Natividad, Pangasinan nitong nagdaang Semana Santa.

Ito ang inihayag ni Police Senior Inspector (PSI) Ernie Cruz, Officer-in-Charge ng Natividad PNP batay sa tala ang kanilang Municipal Tourism Office.

Ayon pa kay Cruz, tinatayang aabot sa tatlong libong bisita kada araw ang dumadagsa sa kanilang tourist stop.

 

Sa pangkalahatan, naging mapayapa naman ang paggunita ng semana santa sa bayan ng Natividad kung saan pawang minor vihicular incident lamang ang naitala.

Speak Your Mind

*