Libo-libong turista, inaasahang dadagsa sa isang buwang selebrasyon ng  Pistay Dayat

Inaasahan na ng Provincial Tourism and Cultural Office (PTCO) ang libo-libong turista na dadagsa sa lalawigan ng Pangasinan dahil sa long week celebration ng “Pistay Dayat 2017”.

Sa panayam, sinabi ni Malou Elduayan, Provincial Tourism and Cultural Officer, na maraming mapupuntahan ang mga turista pupunta sa lingayen isa na rito ang Pangasinan Tourism and Trade Expo at ang ibat-ibang aktibidad para sa Pistay Dayat.

Maliban pa sa bayan ng Lingayen, marami pang karating bayan ang maaring puntahan ng mga turista na tiyak nilang kagigiliwang pasyalan.

 

Samantala, kabilang naman sa aktibidad na dapat abangan sa Pistay Dayat ang opening ng Panag-Arte La Lamet and photo exhibit, Limgas na Pangasinan, Paboksing ed Gulpo, Sand Sculpting Competition, Banca Parada at iba pa.

Speak Your Mind

*